Siguro Nga

Sa tuwing akoy dumarating, ika’y palaging paalis
Daan may laging salubong, titig di dumaraplis
Hanggang kailan magtitiis na walang sinasabi

Kung ano man tayo noon, anong luwang anong higpit
Mga panahong binuhos ko, kinaya kong gawing lihim
Hanggang kailan magtitiis, wala pa ring sinasabi

Siguro nga ikaw ang habang buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit wala ka na ah ah

Aaminin ko na ang totoo, wag ka lang maiilang sa akin
Mga salitang di mabuo, umuulan sa aking isip
Tumatagos na sa bubong, tumatalsik sa aking dingding

Siguro nga ikaw ang habang buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit wala ka na

Siguro nga ikaw ang habang buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit wala ka na

Nalingat saglit wala ka na
Nalingat saglit wala ka na
Nalingat saglit wala ka na

Nalingat saglit wala ka na
Nalingat saglit wala ka na
Nalingat saglit wala ka na

Kaya hanggang ngayon kahit lumipas na ang pagkakataon
Pag naririnig ko ang pangalan mo, ako’y ngumingiti’t pumipikit