Pangako

Kislap ng ‘yong mga mata
Ako’y iyong nadadala
Parang anghel ang ‘yong ganda
‘Di maiwasan hahanap-hanapin ka

O kay tamis ng ‘yong mga ngiti
Ako’y iyong naaakit
Tulad ng rosas nakakaaliw
‘Di mapigilan mabighani sayo…

At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa’kin

Pag sapit ng gabi
Sa isip ay ikaw pa rin
Mga larawan mo sa aking tabi
Na laging nakamasid…

At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa’kin
At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito
Gagawin ang lahat para sa’yo

At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa’kin
At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito
Gagawin ang lahat para sa’yo…