Nobela

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
Tulad mo ba akong nahihirapan?
Lalo’t naiisip ka
‘Di ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka’t sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako’y magbabalik
At sana naman

Sa isang marikit na alaala’y
Pangitaing kay ganda
Sana nga’y pagbigyan
Na ng tadhana
Bawat sandali na lang
Sumabay sa biglang pagkabahala’t
Lumabis ang pagtataka
Tunay na pagsintang ‘di alintana
Bawat sandali na lang

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka’t sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako’y magbabalik
At sana naman

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka’t sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako’y magbabalik
At sana naman