Categories
Ben&Ben

Nakikinig Ka Ba Sa Akin

1, 2…
1, 2…

Sasalubingin kita sa dulo ng ‘yong galit
Uunawain kita para ‘di tayo maging
Epidemyang ‘di matapos-tapos sugpuin
Tayo ba ay naging makasarili?
Sardo ba’ng tenga sa mga hiling?

Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin

Kung mayro’n kang pupurihin
Sige lang, gawin mo ‘yan
Kung mayron’n kang babatikusin
Sige lang, gawin mo ‘yan
Mahalaga’y bawat isa’y mapakinggan

Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin

Patawad na sa pagkukulang
Naririnig kita

Nakikinig ka ba sa akin?
Hindi kita gustong awayin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin

Nakikinig ka ba sa akin?
Ang bukas ay ating yakapin
Pareho ang ating hangarin
Ang kadiliman ay basagin

Nakikinig ka ba? (Sasalubungin kita)
Nakikinig ka ba? (Sa dulo ng ‘yong galit)
Nakikinig ka ba? (Uunawain kita)
Nakikinig ka ba? (Para ‘di tayo maging…)

Sasalubungin kita sa dulo ng ‘yong galit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *