Kay Tagal Kitang Hinintay

Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa’y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa

Tapos na ang paghihintay nandito ka na’t
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo’y di na tatanda

Ligaya mo’y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Nagkita rin ang ating landas wala ng iba
Akong hinihiling kundi ika’y pagmasdan
Mundo ko ay yong niyanig
Oh anung ligayang ika’y sumama sa akin
Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Panatag ang kalooban ko
At ika’y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Ligaya noo’y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang dati ay balewala…

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Panatag ang kalooban ko
At ika’y kapiling ko na
Kay tagal kitang hinintay