Kalapati

Tapos na ko sa sundalo sa kalapati naman
Ayoko talaga isulat kung ganito ang laman
Baka isipin pa nila sa kabila ng lahat
Humihingi ng simpatya para lang makaangat

May kalapating nag alaga sa akin simula’t sapol
Mas maliit pa ako nun, mas maliit pa kay Dagol
Itong kalapati na tong madalas lumilipad
Naghahanap sya ng pagkain na pwede kong makagat

Madalas na mag-isa kaya naging matatag
Iniisip ko na lang na babalik sya agad
Dinalasan ang dasal para lalong marinig
Pahinging jacket kuya Willie sa gabing malamig

Naranasan na namin na madalas na matakot
Hindi sa multo kundi sa tunay na bangongot
Wag kang mag-alala mawawala rin to lahat
Kasi ikaw ang kalapi na matayog ang lipad

Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa aking lumipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung bat ako lumilipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa aking lumipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung bat ako lumilipad

Ano ba naman itong biglang iyong dumating
Kamalasang may kasamang biyayang dumadaing
Dis oras ng gabi may balitang dumating sa akin
Nahuli daw kasi ang ibong gusto kung buhayin

Bigla ako dumilat di ko alam ang gagawin
Hilong hilo at parang biglang umikot ang paningin
Pinuntahan ko sya huli na akong dumating
Pinipicturan na walang areglong gagawin

Pero merong daga na may dalang maraming keso
Agad na pinalaya at wala ng kesyo kwento
Babaeng kalapati umiiyak sa kaba
Gaano kasakit na makita kita sa hawla

Ako naman ang kukuha ng perang walang kwenta
Lahat ng kailangan mo ako magdadala
Wag ka ng mag-alala mawawala rin to lahat
Kasi ikaw ang kalapating nagbigay sa akin ng mga pakpak

Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa aking lumipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung bat ako lumilipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa aking lumipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung bat ako lumilipad

Napakalas ko pag alam ko na nandito ka
Pero lalo mas lumakas pa nung hinuli ka nila
Konting panahon na lang sabay nating lahat kukunin
Bubuksan ang kandado ng hawla kahit pilitin
Mahal kita anong tiis di ko kaya
Ginintong kalapati at di ka basta maya
Wag kang mag-alala halos sagot ko na lahat
Dahil sa mama ko na sobra taas din kung lumipad

Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa aking lumipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung bat ako lumilipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang nagturo sa aking lumipad
Ikaw ang kalapati iba sa lahat
Ikaw ang dahilan kung bat ako lumilipad