Iyong Iyo

Landas natin ay pinagtagpo
Kahit ‘di natin plinano
Tinakdang pangako na mahulog ako sa’yo
Unang pagtingin alam ko na ikaw ang
bubuo sinta
Ng aking mundo pati na rin ng puso

Sa ating paglalakbay maaaring maligaw
Pero itong mga kamay hindi bibitaw

Ikaw ay akin at ako’y iyo kalawakan
man gumuho Kahit na ba sa kabilang buhay
hindi maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako’y iyo lagi at kailanman
ay pinangakong mamahalin kita ng buong
buo
Puso’y iyong iyo

Bukas man ay ‘di nakatakda
Ang alam ko lang ay nandiyan ka
Bawat umaga ay parang himala

Sa ating paglalakbay maaaring maligaw
Pero itong mga kamay hindi bibitaw

Ikaw ay akin at ako’y iyo kalawakan man
gumuho Kahit na ba sa kabilang buhay hindi
maglalaho dahil
Ikaw ay akin at ako’y iyo lagi at kailanman
ay pinangakong mamahalin kita ng buong
buo
Puso’y iyong iyo

Ikaw ay akin at akoy iyo
Kalawakan man ay gumuho
Kahit na ba sa kabilang buhay ay ‘di maglalaho
dahil
Ikaw ay akin at ako’y iyo
Lagi at kailanman ay pinangakong mamahalin
kita ng buong buo
Puso’y iyong iyo