Imahe

Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
‘Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan

Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo

Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan

Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa’t isa

Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama
Ang tamis ng iyong halik ay ‘di na madarama
Pangako sa isa’t isa ay ‘di na mabubuhay pa
Paalam sa ‘ting pag-ibig na minsa’y pinag-isa

Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo

Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan

Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa’t isa

Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Pag-ibig na ating sinayang

Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Hanggang dito na lang tayo

Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa’t isa