Ikaw at Ako

Sabi nila, balang araw, darating
Ang iyong tanging hinihiling
At noong dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko sa ‘yong mga mata
At ang takot kong sakali mang ika’y mawawala

At ngayon, nandiyan ka na
‘Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
‘Di paaasahin, ‘di ka sasaktan

Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako

At sa wakas ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa ‘yo na ika’y uunahin
At hindi naitatanggi

Ang tadhanang nahanap ko sa ‘yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal

At ngayon, nandiyan ka na
‘Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
‘Di paaasahin, ‘di ka sasaktan

Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako

At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan iyong mga kamay
‘Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa ay iibigin ka

Mula noon hanggang ngayon
Mula ngayon hanggang dulo
Ikaw at ako