Coda

Sayang giliw
Ito ang sinapit
Akin lamang napag-alaman
Wala ang tindi ng
Poot at ‘yong galit
Kung wala ring mababalikan

Bakit hindi kita mapigil?
At magawa kitang habulin?
Hindi makakibo’t
Paa’y kapwa aking
‘Di magalaw

Hanggang tingin
Na lamang ang akin
Hanggang maglaho sa abot-tanaw
Hidwaan nati’y mananatili
Sayo ba’y meron katuturan?

Di nabatid
Na tatalikdan
Ang hinagap nating sumpaan
Hahantong din pala ang lahat
Sa kabiguan

Bakit hindi kita mapigil?
At magawa kitang habulin?
Hindi makakibo’t
Paa’y kapwa aking
‘Di magalaw

Bakit hindi kita masisi?
Pagiging tama o mali’y anung silbi?
Kung tayo ri’y mawawaglit
Anung saysay?