Yugto by Rico Blanco

Yugto – Rico Blanco

I
Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinaka matalik
Pupulupot sa leeg mo’t sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

Pre-Chorus:
Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan
Di ma pigil ang yabang at sakdal na kasakiman
Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka

Chorus:
Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo’y hindi malulubog
Lumiyab ka
Lumiyab

II
Sa gitna ng kadiliman may buwitreng nagmamasid
May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig
Iiyak ang mga batang nahulugan ng candy
Lagi ng mga problema sa iba sinisisi

Pre-Chorus:
Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Itinuring mong kaibigan na pinaka matalik
Leeg mo’y pupuluputan, dugo mo’y sisipsipin
Pag wala ka nang pakinabang ending mo’y sa bangin

Repeat Chorus
Lumiyab

Bridge:
Tuwing hating gabi maririnig mo ang huni
Ng mga kalul’wang naliligaw
Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto
Ang huwad na tao

Ang mga tinig palakas ng palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang
Repeat 2x

Chorus:
Saksi ang langit sa lahat ng naganap
Saksi ang langit sa ikalawang yugto

Lumiyab ka
Lumiyab ka
(Sa ngalan ng katotohanan)
Lumiyab ka
(Sa ngalan ng iyong dangal)
(Ang puso mo’t iyong isipan)
Lumiyab
Lumiyab
(Alalay mo sa Maykapal)
Lumiyab

Translate Yugto by Rico Blanco in other languages:

You may also like...


15 Responses to “Yugto by Rico Blanco”

Leave a Comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>