Upuan by Gloc 9 feat Zelle

YouTube Preview Image

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
Baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh…

Verse I:
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato’t kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao’y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
Baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse II:
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga’y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit kapag ang aking ama ay sumueldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo’t asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo’y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pero niyo
Walang doktor na makapag papalinaw ng mata niyo
Kaya…

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaay wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
Yeahhey…

Translate Upuan by Gloc 9 feat Zelle in other languages:

You may also like...


8 Responses to “Upuan by Gloc 9 feat Zelle”

    • buknoy Says:

      very nice song para sa mga pilitiko lalo na ngayon malapit na ang 2010 election so vote wisely wag po boto ang ganitong politician…..sana pagpatuloy pa mga ganitong uri ng kanta na nauukol sa mga pilitikong gahaman hehehehe peace!!!1 brother!!

    • Arron Says:

      Ang gling ni kuya Aries sna ksma ka s album nla kuya FM at kuya Ely ung’SICKOS PROJECT’ sure hits un pgsumama ka dun s album more power kuya aries.Peace,One Love.

    • Benny Says:

      i am very picky when it comes to choice of songs. when i first heard your song in myx,i really appreciated it a lot.the song mirrors the politicians who are greedy for power.ang galing ng lyrics, ng melody rin of course ang galing nga pagkakanta ng Gloc 9, the best.

    • ece29390 Says:

      I also like this song. I hope that they will come up with more songs about the political situation in our country.Sana matuto na tayo wag po nating expect na pag may nangakong kandidato na hahanguin niya ang mahihirap maniniwala na tayo. Paano mahahango ng isang tao na manunungkulan ng 3 – 6 years ang mga taong naghihirap na ng ilang dekada.

    • joan Says:

      haay.super ganda ng song na 2 sana magicing mga politician sa lyrics ng song.saludo aq sa writer ng song, galing mg icip… sana sa mga tao ngayong darating na halalan pakinggan muna etong kanta bago bumoto….. the best k talaga gloc 9.

    • itunes gift cards Says:

      This song is truly remarkable, it shows how the real situation of a Filipino Family nowadays. It also strikes the politicians who are very greedy and live on an abundant resource while others shares on a small amount of food…

Leave a Comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>