Saan Na Nga Ba’ng Barkada by Sponge Cola

Nagsimula ang lahat sa iskwela
Nagsama-samang labing-dal’wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi paawat sa isa’t isa

Madalas ang istambay sa cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Konting udyok lamang kakanta na

Refrain:
Kay simple lamang ng buhay ‘non,
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung.
Saan na napunta ang panahon

Chorus:
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon?
Repeat Last 2 Lines

Sa unang ligaw kayo’y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada

Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga’y hindi nawala.

Refrain:
At kung saan na napadpad ang ilan,
Sa dating iskwela meron ding naiwan
Mayroon pa ngang mga ilang nawala na lang,
Nakaka-miss ang dating samahan,

Chorus 2:
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na nga ‘bang barkada ngayon?
Repeat last 2 lines

Ilang taon din ang nakalipas
Wala pa sa’ming tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawang kinabukasan

Paminsan-minsan kami’y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa iskwela
‘Pag magkasama’y nagwawala.

Refrain:
Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang ilang taon
Magkakabarkada pa rin ngayon

Coda:
Magkaibigan, magkaibigan
magkabarkada parin ngayon.
Repeat last 2 lines 4x

Nagsimula ang lahat sa iskuwela

Translate Saan Na Nga Ba’ng Barkada by Sponge Cola in other languages:

English flagItalian flagKorean flagPortuguese flagGerman flagFrench flagSpanish flagJapanese flagGreek flagDutch flag

You may also like...


Comments

  • marisa

    halu spongecola
    ang ganda talaga ng mga kanta nyo,
    idol ko talaga kayo,

  • marisa

    hai to ol,

    fan din ako ng callalily
    sana ma meet ko kayo n person.
    tnx

WordPress Login Protected by Clef