Ngiti by Ronnie Liang

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik

Chorus:
Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko’y tumitigil
Para lang sa iyo ang awit ng aking puso
Sana’y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko’y manhid

Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko’y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana’y madama mo rin ang lihim kong pagtingin

Repeat Chorus 1

Sa iyong ngiti…

Translate Ngiti by Ronnie Liang in other languages:

You may also like...

Leave a Comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>